My Kwentong Negosyo

Kwentuha’y Nagsimula Na

Sa pagtatapos ng Part I ng ‘My Kwentong Negosyo’ campaign na inilunsad sa mga kliyente ng ASKI mula sa Cabanatuan (Nueva Ecija) at San Rafael (Bulacan) Branches, masaya kaming ipahayag na naging maganda ang partisipasyon ng mga KN readers. Maraming salamat sa 41 negosyante na nagpadala ng kanilang mga kwento. Marami sa mga kwentong ito ay tunay na nakakabilib, pero dahil sa kakulangan ng impormasyon na nagpababa sa kanilang puntos, may napili lamang kaming limang negosyanteng na parangalan.

Congratulations sa mga winners:

ASKI Cabanatuan Branch

Mrs. Emerlita Cruz
1st place, Most Inspiring Business Story

Mrs. Florentina Sanglay
2nd place, Most Inspiring Business Story

Mrs. Marites Punzal
3rd place, Most Inspiring Business Story

Bawat isa sa kanila ay nakatanggap ng Gift Certificate mula sa Microtel Inns &; Suites Cabanatuan City, 1 Carica Gift pack at Green Leaf Eco Bags.

ASKI San Rafael Branch:

Mrs. Eleonor Gonzales
Overall Winner, Most Inspiring Business Story


Premyo: Php 2,500 worth of gift certificate from Villa Concepcion Wet & ; Wild Waves Resort

Mrs. Magnolia Maniquiz
2nd place, Most Inspiring Business Story

Bawat isa sa kanila ay nakatanggap ng Gift Certificate mula sa Microtel Inns & Suites, Cabanatuan City, 1 Carica Gift pack at Green Leaf Eco Bags.

Binigyan din ng recognition ang most participative ASKI branch at Project Officer na nag-promote ng kampanya sa mga kliyente ng ASKI.



Cabanatuan Branch:
Branch with Most Number of Entries
Premyo: Php 7,500 worth of Gift Certificate mula sa Villa Concepcion Wet &  Wild Waves Resort

Project Officers:
Mr. Joel Dela Cruz
Mr. Erwin Transfiguracion
Project Officers Who Submitted the Most Number of Entries

Ang bawat isa sa kanila ay nakatanggap ng gift pack mula sa Carica at Green Leaf Eco Bags.

Isang simpleng awarding ceremony ang naganap sa Dr. Gemiliano Calling Training Hall, Alalay sa Kaunlaran (ASKI) Inc. Head Office noong June 22, 2009.

Ang mga hurado - mula sa MEDIA, Inc. (publisher ng Kwentong Negoso) at ASKI – ay nagpasya ayon sa tatlong aspeto: Entrepreneurial Qualities (EQ)- 25 points, Business Quality (BQ)- 50 points at Impact Quality (IQ)- 25 points.


Abangan ang Part 2 ng ‘My Kwentong Negosyo’ campaign! I-email ang inyong mga kwento bago dumating ang 15 August 2009 sa jesi@kwentongnegosyo.com. Magagandang gift packs mula sa aming corporate sponsors ang naghihintay para sa mga mananalo. Maiinit na pagbati sa aming bagong major sponsors—ang Moondish at Sophie Martin.







Narito ang patikim ng istorya ng mga nanalo. Abangan, sa susunod na isyu ng Kwentong Negosyo, ang buong kwento ng mga nanalo.

Bumangon sa Bawat Pagkakadapa

Ako si Eleonor Gonzales, tubong Bulacan. Gumagawa kaming mag-asawa ng native bags; isang kaalamang nagmula pa sa aming mga ninuno.

Taong 2000, lumuwas ako ng Maynila dahil gusto kong malaman ang lugar na bilihan ng mga gamit sa paggawa ng bag at kung saan kami magbebenta ng yaring bag. Noong panimula ay namili kami sa Divisoria at Marikina. Mahirap kasi walang sapat na pambili; kung anong meron ka iyon lang ang pagkakasyahin mo. Bukod sa paggawa at pagbenta, pinag-ukulan ko din ng panahon ang pagsali sa trade fair- Likha ng Central Luzon, na ginanap sa isang mall. Hindi rin naging madali ang pag-eexhibit noon, nandoon inilagay ang booth namin sa likuran na ‘di masyadong mapapansin ng mga mamimili. Dito ko naranasang umiyak sa sama ng loob - tumulo na lang ang luha ko dahil awang-awa ako sa sarili ko. Pero sa kabila noon, hindi ako sumuko; ang motto ko, “Get up and go on.”

Sa ngayon ay mayroon na kaming mga display na bags sa Mega Caltex Station sa San Simon, Pampanga at sa Wow Philippines. Hindi pa man lubos ang aming tagumpay, maligaya na rin kami dahil nararanasan na naming pamilya ang masaganang buhay.

Para sa Pamilya, Lahat ng Pagsubok ay Kayang-kaya!


Mula naman sa Cabanatuan, nag-umpisa si Emerlita Cruz ng negosyo na natutunan pa niya mula sa ina – isang maliit na patahian. Siya na rin mismo ang matiyagang nagtatabas, naglalako at nagtitinda ng mga nayari niyang damit.

Maayos na sana ang takbo ng negosyo, subalit dumating sa buhay niya ang isang hamon - nagkasakit ang kaniyang anak, na nasabayan pa ng kawalan ng trabaho ng kaniyang mister. Unti-unting naubos ang kaniyang puhunan para matustusan ang kanilang pangangailangan. Ngunit hindi pa rin siya sumuko. Humiram siya ng maliit na puhunan at muling binuksan ang kaniyang patahian. Sa ngayon ay nakapagpapa-aral na si Emerlita ng dalawang anak at nakapagpundar ng isang tindahan at maliit na babuyan. Isang pangarap—ang masaganang buhay para sa kanyang pamilya, at handang pagsakripisyo ang nag-udyok kay Emerlita para harapin at malampasan ang lahat nga pagsubok ng buhay.